« Home | Could You be Messiah? » | A Greater Monument than a Cathedral » | Nuggets of Wisdom from a Pantheist » | A Gift Taken Back » | I'm Going HOME... » | Eksena sa Dyip: a filipino philosophy reflection » | + » | We have a new Cat! » | Meet my Blog Commentator... » | Love at a Different Angle »

Kung Pinoy si Noah...

This is a re-post entry, and I'm amused with it. I got this from one particular joke site. It is very timely and relevant that Evan Almighty is about to be shown in the cinemas here in the Philippines. This article touches the same theme, however, satyrically. An awareness of the socio-political system snd status of the country allows one to better understand the meaning of this humor. Yet, we could get nuggets of wisdom from this.

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing, "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo
rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't-ibang kapuluan."

Ibinigay kay Noah
ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"

Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang Manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng jueteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation".
Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong
unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".

"Hindi po ako pumayag kaya ha nggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.

About me

brodiz

Location:
Calamba, Laguna, Philippines

I am a pilgrim by life's occupation, an accountant by bachelor's degree, a TarlaqueƱo by place of birth, a Salesian by specific vocation, a teacher by profession, a student by formation, a writer by passion, a youth minister by life's mission, a son of God... My Philosophy of Life: "To be is to become" "To be is to hope"

Speak Out!

Welcome!

Your IP Address is:

Blogroll

Powered by Blogger

A Pinoy Blogger

PinoyWebSights Topsites List

Blog Directory

blog search directory

Blog Directory & Search engine

Pinoy Topsites

Pinoy Top Blogs | Ranking the Philippine Blogosphere

Blogarama - The Blog Directory Blogarama - The Blog Directory