My God is Weak
Here is another way of looking at God:
Ang Diyos ko'y hindi isang Diyos na matigas ang loob,
mahirap lapitan, walang pakiramdam, hindi tinatablan, di marunong masaktan.
Ang Diyos ko'y mahina.
Kalahi ko lang siya. At kalahi niya ako.
Tao siya at ako naman ay halos Diyos na.
Minamahal niya ako kahit ako'y abo at alabok lamang para naman makatikim ako ng kabanalan.
Pag-ibig ang nagpapahina sa Diyos ko.
Nararanasan ng Diyos ko ang makataong saya, ang pakikipagkaibigan, ang sarap na dulot ng daigdig at lahat ng nasa daigdig.
Nararanasan din niyang magutom, mapagod, antukin. Nadama niya ang maraming bagay.
Nainis din siya at nagalit.
Banayad siya tulad ng isang bata.
Ang Diyos ko'y natakot din sa harap ng kamatayan.
Ang Diyos ko'y pinasuso ng kanyang ina at sa gayo'y nadama niya at nainom ang buong pggiliw ng isang babae.
Hindi naman niya talaga ginusto ang sakit at hindi rin siya naging kaibigan ng karamdaman.
Kaya nga pinagaling niya ang mga maysakit.
Nagtiis din siyang mapatapon sa ibang lupain.
Minsang usigin, minsan purihin.
Minahal ng Diyos ko ang lahat ng makatao: mga bagay at tao, tinapay at pagkababae, ang mabubuti at pati masasama.
Ang Diyos ko'y nakakagat sa kanyang panahon.
Kung ano ang damit ng iba, siya ring damit niya. Ang ginamit niyang wika ay wikang katutubo, ang wika ng kanyang bayan.
Nagpawis din siya at nagbanat-ng-buto.
At sumigaw siya tulad ng mga propeta.
Ang Diyos ko'y mahina kapag kaharap ay mahina, at mabagsik naman sa mga palalo.
Bata pa siya nang mamatay pagkat siya'y tapat.
Pinatay nila siya sapagkat, sa kanilang paningin, itinatakwil niya ang katotohanan.
Subalit ang Diyos ko'y namatay nang walang kinamumuhian.
Nang mamatay siya, siya pa mismo ang gumawa pa ng palusot para sa pumatay sa kanya. At lampas pa ito sa pagpapatawad.
Ang Diyos ko'y mahina.
Sinira ng Diyos ko ang matandang patakarang "ngipin sa ngipin", ang paghihiganting may kakitiran ng isip, upang simulan ang panahon ng pag-ibig at ng isang bagong himagsikan.
Ang Diyos ko, kahit na siya'y inilugmok sa lupa, subsob ang mukha, itinatwa, pinabayaan, walang nakaunawa, ay patuloy pa ring umibig.
Kaya nalupig ng Diyos ko ang kamatayan.
At sumibol mula sa kanyang mga kamay ang isang bagong bulaklak-- ang muling pagkabuhay!
Kaya't lahat tayo'y bumabangon mula sa ating libingan--lahat-- tao ma't mga bagay.
Ang daming mga taong nahihirapang tumanggap sa Diyos long mahina, sa Diyos kong umiiyak, sa Diyos kong ayaw ipagtanggol ang kanyang sarili!
Hirap silang tanggapin ang Diyos kong pinabayaan ng Diyos.
Ang Diyos kong kailangang mamatay upang magtagumpay.
Ang Diyos kong humirang sa isang magnanakaw at kriminal bilang unang santo ng kanyang Simbahan.
Ang bata kong Diyos na pinagbintangang nanggugulo ng lipunan.
Ang Diyos kong siyang pari at propeta na namatay na biktima ng lahat ng nakakahiyang pag-uusig ng relihiyon sa buong kasaysayan.
Mahirap tanggapin ang Diyos ko, ang kaibigan ng buhay, ang Diyos kong nagdusa sa tinik ng tukso, ang Diyos kong nagpawis ng dugo bago maako ang kalooban ng Ama.
Ang Diyos na ito, ang mahinang Diyos kong ito ay talagang mahirap matanggap ng mga naniniwalang ang tagumpay ay nasa pananakop,
na ang pagtatanggol sa sarili ay nasa pagpatay sa kapwa,
na ang kaligtasan ay nakasalalay sa lakas at hindi isang biyaya lamang mula sa itaas,
na ang kahinaan bilang tao ay makasalanan,
para sa nag-aakalang ang pagpapakabanal ay pamamanhid ng pakiramdam.
I first heard of this article in our class in Process Thought. It was translated by the Jesuit Albert Alejo from Juan Arias' "My God is Weak." I'm still looking for that English translation.
The bottom line is that God LOVES. I would rather conceive of God as this than an indifferent God. We have been polarized into thinking that God as omnipotent cannot be affected by us. No lover is unaffected to and by the beloved. This sort of weakness is not really something negative, something against his perfection. This weakness does not decrease his value as God. This weakness, in fact, increases us... all because He loves us. Nothing is ever so consoling than this.
I have heard of Juan Arias' book The God I Don't Believe In which I found to be intriguing after reading a portion of his work. This moves me to avail of me this literary piece. Juan Arias is quoted to having said this:
“No, I shall never believe in:
the God who catches man by surprise in a sin of weakness,
the God who condemns material things,
the God who loves pain,
the God who flashes a red light against human joys,
the God who is a magician and sorcerer,
the God who makes Himself feared,
the judge-God who can give a verdict only with a rule book in His hands,
the God who ‘plays at’ condemning,
the God who ‘sends’ people to hell,
the God who ‘causes’ cancer or ‘makes’ a woman sterile,
the God who is not love and who does not know how to transform into love everything He touches.
Yes, my God, is the other God.”
While others would resent and remark that:
"who the hell told you that this is the kind of God I believe in?"
It simply emphasizes the fact that God above all loves and that He is LOVE Himself.
Is God Almighty? I believe He is. No mightier and greater love there is than a love that is so weak in the face of the beloved.