masaya ako ngayon... sobra.
wala namang mabigat na dahilan.
nag-enjoy lang ako sa araw na'to...
... kakulitan ang mga estudyante nung parents' orientation
... kakulitan ang mga kabataan ng dbyc
... kakulitan ang mga leaders ng dbyc habang kami'y nagpla-planning.
... kakulitan si lonx habang namamasayal sa mall at nagko-coffee sa isang coffee shop dyan sa tabi-tabi.
... kakulitan ang mga confreres during meal time at recreation kahit alam namin na merong napipikon, hehe.
... kakulitan ang kapatid ko na bumisita sa'kin kanina.
... kakulitan si marnel na pumunta dito para manghinge ng teaching materials.
... kakulitan si jake sa text dahil wala siyang magawa sa makati medical hospital habang nagbabantay sa kanyang minamahal na rector.
... kakulitan ang iba pang mga ka-text (bakit ba kasi ngayon pa silang nagsabay-sabay magsipag-text?).
... at syempre, kakulitan din ang diyos na kahit andami-dami kong ginagawa, di pa rin siya nagsasawang mangulit nang mangulit para makipagkulitan din ako sa kanya.
kanina, nakipagkulitan na naman siya uli sa'kin.
sa misa kanina, kinukulit n'ya ko na tanggapin ko yung inaalok n'yang yaman sa'kin. isipin mo, s'ya pa yung kusang nagbibigay ng yaman, at nangungulit pa para tanggapin ko 'to!
wala nang kukulit pa sa diyos... talung-talo pa ang mga pinagsama-samang estudyante kong makukulit.
yun nga lang, ang pangungulit n'ya hindi nakakabanas katulad ng kakulitan ng mga estudyante ko sa klase. dahil yung pangungulit n'ya, nagbibigay ng peace at kaluwagan sa dibdib.
kaya masaya ako... ang dami-dami kasing kakulitan sa araw na'to.